Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit to Djila Winebrenner
|
Patay na ng matagpuan ang isang Pawikan o Sea turtle kaninang
alas-7 ng umaga sa dalampasigan ng Bulabog beach sa isla ng Boracay.
Ayon sa Philippine Coastguard Boracay Sub-Station, ang babaeng pawikan ay may
habang102 centimeter at may lapad namang 116 centimeter.
Nakitaan din umano ito ng sugat sa ulo at sa kaliwang
mata na pinaniniwalaang tinaga dahilan ng kanyang agarang pagkamatay bago anurin
papunta sa dalampasigan kung saan malakas ang alon dulot ng amihan.
Agad naman umano nila itong itinur-over sa Cenro-Boracay para
maisailalim sa pagsusuri ang katawan nito at matukoy ang totoong dahilan ng kanyang
pagkamatay kung saan sila na rin umano ang magpapalibing nito.
Nabatid na ilang pawikan na rin ang natagpuan sa mga
dalampasigan ng isla ng Boracay kung saan ang kahuli-hulihan ay nitong lamang nakaraang
buwan ng Disyembre na umabot ng siyam sa loob lamang ng isang araw.
No comments:
Post a Comment