Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inaprobahan na
ang ordinansa para sa mga nag-aalaga ng aso sa Probinsya ng Aklan sa ginanap na
9 th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkules.
Itoy alinsunod sa
ipinasang ordinansa na ang mga sponsor ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela
Cruz, Hon. Nelson Santamaria at ang Co-sponsor nitong si Hon. Ramon Gelito at
Hon. Lilian Tirol.
Samantala ang
nasabing ordinansa ay pinamagatan “ An ordinance Prescribing Rules, Regulation,
And Control Measures In The Movement of Domesticated Animals Particularly Dogs
And Strictly Banning The Staying/Roaming of The Same In Streets And All Other
Public Places In The Province of Aklan
And Penalizing Owners Thereof For Its Violation.
Kaugnay nito
nakapaloob dito ang mga patakaran para sa mga may-ari ng aso at ang kanilang
magiging penalidad sakaling sila ay may nilabag na kautusan sa ordinansa
kabilang na ang pagpapabaya sa mga aso na pagala-gala.
No comments:
Post a Comment