Pages

Saturday, March 19, 2016

“Oplan kakas” ng Comelec kasado na sa pagsisimula ng local campaign period

Posted March 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec election postersHindi paman nagsisimula ang local election period pero nagsusulputan na na parang kabuti ang mga election propaganda o poster ng ilan sa mga kandidato sa probinsya ng Aklan.

Dahil dito sinabi ni Getulio Esto ng Comelec Provincial Office, na kasado na ang kanilang “Oplan kakas” task force, na magbabaklas sa mga poster ng pasaway na mga kandidato matapos ang Semana Santa.

Nabatid na ngayong Marso 25, ang itinakda na pagsisimula ng kampanya na magtatagal ng 45 araw, ngunit sumakto naman ito sa Kwarisma, dahilan para payuhan ng Comelec ang mga ito, na magnilay-nilay muna sa panahon ng pag-alala sa sakripisyo ng Panginoon.

Ayon kay Esto, ang “Oplan kakas” task force ay kinabibilangan ng Comelec, Philippine National Police at Department of Public Works and Hi-ways (DPWH) na magtatanggal sa mga poster na hindi nakalagay sa designated area ng Comelec.

Sinabi pa nito na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga poster sa mga punong kahoy, dahil isa itong paglabag sa batas pangkalikasan sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Ang pangangampanya ng wala sa itinakdang panahon ay paglabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Elections na may resolusyong 981”-dagdag ni Esto. 

No comments:

Post a Comment