Posted March 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumailalim ang Local
Government Unit (LGU) Kalibo at Aklan Provincial Government sa Earthquake drill
sa Provincial Capitol Building ngayong araw.
Ayon kay Local
Disaster Risk Reduction Management Council Officer 3 o (LDRRMCO) Head Terence
June Toriano, yearly umano nila ginagawa ang simultaneous earthquake drill.
Ilan sa mga ginawang drill ay ang “ Duck ,Cover and Hold” alinsunod sa nais
mangyari ng Phivolcs.
Kaugnay nito, ang naturang drill ay inorganisa
ni Regional Director of Civil Defense Rosario Cabrera at sa pamamagitan din ng
dalawang evaluator ng PDRRMO- Capiz, Shella Mae Secular ng Region 1V at Esperidion
Pelaes kung saan inalalayan nila ang dalawang lokal na sektor na nagsagawa ng drill.
Dagdag pa ni
Toriano na ang layunin naman ng nasabing drill ay para maging handa ang lahat sa anumang kalamidad na maaring
mangyari sa ating bayan at bilang preparasyon narin sakaling gumalaw ang West
Panay Fault at West Tablas Fault.
No comments:
Post a Comment