Posted
March 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magarbo ang ginagawang paghahanda ng Aklan Provincial
Government para rin sa magarbong selebrasyon ng ika-60th Aklan Day ngayong
darating na buwan ng Abril 25, 2016.
Dahil dito kaliwat kanan na ngayon ang paghahanda ng
probinsya sa taunang okasyon kung saan ibat-ibang aktibidad ang nakalinya para
sa isang linggong selebrasyon.
Nabatid na bida sa naturang selebrasyon ang dinarayong
“tsibugan sa Kapitolyo” kung saan isisilbi rito ang mga putahing made in Aklan
gayundin ang mga produkto na yaring probinsya kasama na ang “Talibong festival”
at mga live bands na mag-papaingay sa harapan ng kapitolyo.
Ang Aklan Day ay pag-alala kung saan humiwalay ito sa
Capiz bilang isang independent province noong Abril 25, 2016 sa bisa ng
Republic Act 1414, na nilagdaan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.
No comments:
Post a Comment