Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nahihilo pa ang
isang lalaking nagsumbong sa Boracay PNP matapos hablutin nito ang kanyang bag
habang nakaupo sa kalsada sa harapang ng isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc,
Boracay kanina.
Nakilala ang
biktimang si Rex Valdez 33-anyos isang Graphic Artist, residente ng Aurora
Province at nanunuluyan sa Sitio Ambulong sa nasabing Brgy.
Nabatid na
napa-upo umano ito sa gilid ng kalsada dahil sa kalasingan ng bigla itong
nilapitan ng suspek na sakay ng motorsiklo
at mabilis na hinablut ang kanyang bag at mabilis na tumakas.
Tinangka naman
umanong agawin ng biktima ang kanyang bag pero sinipa siya ng suspek sa kanyang
kaliwang paa kung kayat hindi na niya ito nabawi pa.
Sa ngayon,
ini-imbestigahan na ng mga pulis ang nangyaring insidente.
No comments:
Post a Comment