Pages

Friday, March 11, 2016

Boracay PNP, todo-manman sa mga videoke bar sa Boracay

Posted March 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for human traffickingPatuloy umano ang ginagawang pag-mamanman ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa mga videoke bar sa isla ng Boracay.

Ito’y kasunod ng kanilang isinagawang entrapment/rescue operation kasama ang MSWD at Boracay ECPAT-Philippines nitong Sabado sa videoke king sa Brgy. Manoc-manoc.

Sa panayam ng himpilang ito kay Police Inspector Joey Delos Santos, Deputy Chief ng Boracay PNP,  sinabi nito na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga bar sa isla para masugpo ang sexual exploitation sa lugar.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Delos Santos na nahuli na ang dalawang bading na nambugaw sa 24 na babae sa naturang bar kasama na ang menor de-edad.

Kinilala ang dalawa na suspek sa human trafficking na sina Boyet Pajareto ng Odiongan, Romblon at Nestor Pabiano ng Naga City.

Ang dalawang suspek ay kulong na ngayon sa BJMP Kalibo kung saan sinampahan na rin ang mga ito ng kasong paglabag sa violation ng R.A.10364 o “The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” habang ang mga biktima ay nakauwi na rin sa kani-kanilang mga lugar.

No comments:

Post a Comment