Pages

Thursday, March 17, 2016

BNHS inilunsad ang ika-anim na ECO WALK

Posted March 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Makabuluhang natapos kanina ang ika- 6 na taon ng Eco Walk at Beach Clean-up ng mga mag-aaral ng Boracay National High school o (BNHS) sa Boracay ngayong araw.

Itoy sa pangunguna ni Mr. Ervin Maravilla ng BNHS at ni Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo, Solid Waste Management Team at iba pang mga guro ng nasabing paaralan.

Sinimulan ng mga estudyante ang naturang programa sa pamamagitan ng paglilinis o Beach Clean-up sa mahabang beach line ng isla.

Napag-alaman na sa mahigit isang oras at kalahati na paglilinis ng mga estudyante, naka-kolekta ang mga ito ng halos isang sako ng mga cigarette butts o upos ng sigarilyo maliban pa sa mga plastic bottles, bote at papel na dinala naman sa Balabag MRF.

Nabatid na layunin ng naturang programa na magkaisa ang mga tao lalo na ang mga kabataan sa pag-protekta ng kalikasan ng Boracay laban sa basura.

Ang naturang aktibidad ay sa pakikiisa at suporta din ng LGU-Malay.

No comments:

Post a Comment