Posted March 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Simula ngayong araw ng Miyerkules iba na ang gagamiting
manifesto ng mga pasaherong sasakay sa mga bangka sa Caticlan at Boracay vice
versa.
Ito ang pahayag ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang sa himpilang ito, matapos silang dumaan sa ilang serye ng meeting,
proposal at suggestion para sa bagong pag-papatupad ng manifesto.
Ayon kay Maquirang, ang ideya umanong ito ay napag-kasunduan
nila ni Lt. Edizon Diaz ng Philippine Coastguard at inaprobahan naman ng CBTMPC,
LGU Malay, BAG at ni Island Administrator Glen SacapaƱo.
Nabatid na kung kung ikaw ay kukuha ng ticket sa bangka
ay may kasama ng ibibigay sayo na maliit na passengers data sheet na iyong
susulatan ng panglan at ibibigay sa boatman kung saan ka sasakay na bangka.
May nakalaan na rin umanong mga lamesa at ballpen sa
bawat pantalan kung saan pweding magsulat ang mga pasahero ng kanilang pangalan
kasama na ang address at edad.
Samantala, makukuha ang nasabing manifesto sa boat
ticketing booth at walang bayad kung saan hindi ka maaaring pumila pasakay ng
bangka kung wala ka nito, at kung hindi naisulat ang iyong pangalan dahil ito
umano ang panghahawakan ng Coastguard sakaling magkaroon ng insidente sa
bangka.
Ang sistemang ito ang siya ngayong solusyon sa sinasabing
mabagal na operasyon ng mga bangka sa Boracay kung saan isa rin sa itinuturong
dahilan ay ang kasalukuyang ginagamit na manifesto kung saan sa loob kapa ng
bangka magsusulat ng iyong pangalan.
No comments:
Post a Comment