Posted March 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by: www.spie.de |
Ngayong Sabado na ang itinakdang Earth Hour campaign na inorganisa
ng World Wide Fund for Nature Marso 19, 2016 mula alas-8:30 ng gabi hanggang
alas 9:30 ng gabi.
Dahil dito lalahok ngayon sa taunang aktibidad ang Aklan
Police Provincial Office (APPO) bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa
planeta.
Ito ay pangungunahan mismo ni Aklan Police Provincial
Office (APPO) OIC PSSupt. John Mitchell Jamili kung saan inanyayahan nito ang
bawat mamamayan na patayain ang ilaw at mga kagamitan sa bahay o tanggapan na
hindi kailangan sa isang oras.
Layun umano ng Earth Hour na makatulong sa pagtitipid ng
kuryente , pagpapahalaga sa kalikasan tungo sa preserbasyon ng enerhiya sa
mundo, gayon din ang paglaban sa climate change.
Samantala, naka-alerto naman umano ang kanilang hanay sa
kabila ng pagpatay ng mga ilaw sa mga police station sa probinsya ngayong
Sabado.
No comments:
Post a Comment