Pages

Tuesday, March 01, 2016

3 gold medals sa WVRAA, nasungkit ng estudyante sa Malay na may kapansanan

Posted March 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

https://scontent-lax3-1.xx.fbcdn.net/hphotos-xfa1/v/t1.0-9/10603804_1203799176316468_4274232650968973999_n.jpg?oh=8fe9f4e7cd525abf70542ea8365d1372&oe=575266BEHindi naging hadlang ang kapansanan ng isang manlalaro mula sa bayan ng Malay na parehong putol ang parehong paa.

Ito’y matapos niyang masungkit ang 3 gold medals swimming competition sa ginanap na West Visayan Regional Association Meet sa siyudad ng Iloilo nitong Pebrero 8-12, 2016.

Si Edwin Villanueva 17 taong gulang at Grade 8 ng Malay, National, High school ay nakakuha ng 3 gold medals sa kanyang laro sa free style na may 43 seconds, breast stroke na 1:0:57, at back stroke na 1:0:48 minuto.

Kasama ni Villanueva ang coach nitong si Ma. Teresa Salador ng Ibajay Central elementary school sa kanyang natahak na tagumpay sa naganap kompetisyon.

Hanga naman si Salador sa ipinamalas na galing ng bata sa kanyang laro dahil nakuha nito sa unang pag-kakataon ang gold medals. 

Payo naman ngayon ni Villanueva sa mga  athletic katulad niya na ipagpatuloy lang ang kanilang pagsasanay sa kung anong sports ang kanilang sasalihan.

No comments:

Post a Comment