Posted March 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang maaaprobahan na ngayong araw Marso 29 ang 2016
annual budget ng LGU Malay sa isasagawang SB Session.
Ito ang kinumpirma ng SB Malay sa pangunguna ni SB
Secretary Concordia Alcantara matapos ang mahabang deliberasyon para rito.
Nabatid kasi na hindi na kailangang paabutin pa sa
susunod na buwan ang pag-aproba o deliberasyon nito dahil sa nagsimula na ang
local election period ng mga kandidato na tatakbo sa darating na halalan.
Maliban dito nakatakda ring pag-usapan ngayong Session
ang mga nakabinbing usapin dahil sa nagkaroon ng Holyweek ang buong Konseho
nitong Semana Santa.
No comments:
Post a Comment