Posted February 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ligtas na ngayong kainin ang mga isda, shellfish at
halamang dagat mula sa mga baybaying sakop ng bayan ng Batan, Altavas at New
Washington.
Ito’y matapos tanggalin ng Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources ang shellfish ban sa mga nasabing bayan sa probinsya ng
Aklan.
Base sa ipinadalang kalatas ni Mr. May Guanco OIC ng
Provincial Fisheries Office-Aklan, kung saan nakasaad sa shellfish bulletin no.
3 na toxic free na ang mga nasabing lugar.
Nakasaad din dito na ang paghahanap, pag-harvest, pagbenta
at pagkain ng lahat ng klase ng shellfish ay ligtas na bilang konsumo ng mga
tao.
Nabatid na noon pang nakaraang taon nagsimula ang
nasabing ban kung saan nagsimula ito sa probinsya ng Capiz noong Setyembre 2015
hanggang sa kumalat papuntang bayan ng Batan at sa kalapit na lugar.
No comments:
Post a Comment