Pages

Tuesday, February 09, 2016

SB Member Aguirre binate ang Malay sa pagkilala bilang highest generating, locally-sourced revenues

Posted February 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for LGU MALAYBinati ni Malay SB Member Rowen Aguirre ang LGU Malay dahil sa pagkilala rito bilang highest generating, locally-sourced revenues LGU noong 2014.

Kaharap ang ilang Department heads at employees ng Malay ay nagpasalamat si Aguirre sa mga namumuno at nasa likod ng naturang pagkilala nitong nakaraang SB Session.

Sa 1,490 umanong munisipalidad sa bansa ay ang Malay ang nakakuha ng pinakamataas na generating, locally-sourced revenues ng nasabing taon base sa inilabas na latest tax ad ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Local Governance Finance (BLGF).

Nabatid na ang first-class na bayan ng Malay, Aklan ay nakapagtala ng mataas na share ng local income sa Annual Regular Income (ARI) na may 79.2% o P284,791,218 laban sa national government allocation ng P359,665,486.

Base sa datos nagpapakita na ang Malay ay may 20.8 percent dependence sa national government revenue o ang tinatawag na Internal Revenue Allotment (IRA) at ibinabahagi sa national tax collection.

Samantala, ang paglaki ng kita ng Malay ay dahil sa patuloy na paglago ng turismo ng isla ng Boracay na dinadayo ng mga turista mula sa ibat-ibang parti ng mundo.

No comments:

Post a Comment