Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on
Laws Rowen Aguirre sa ginanap na ika-limang SB Session ng Malay nitong Martes.
Ayon kay Aguirre natatanggal na umano ang surfacing ng
kalsada kung saan makikita na ring lumalabas na ang mga bato nito at hindi
matibay ang ipinalit na semento matapos bakbakin.
Sinabi naman ni Engr. Agustin Torres ng National Building
Code Office na isa sa mga naimbitahan sa Session, na dapat umanong ibalik kung
ano man ang tinanggal bago ang construction kung saan nagbigay din ito ng payo
na kailangan kumuha ng disensyo sa Department of Public Works and Hi-ways
(DPWH) para sa mas matibay na kalsada.
Nabatid na makailang beses ng binakbak ang mga kalsada sa
Boracay matapos ang ginawang paghuhukay para sa pagsasaayos ng mga drainage
system at iba pang infrastructure improvement.
golden goose outlet
ReplyDeletehermes birkin
cheap jordan shoes
Jordan Travis Scott
air jordan
Travis Scott Jordan
kd 15
kd 12
bape hoodie
fear of god essentials