Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinagsama na bilang omnibus ordinance ang mga nakaraang
ordinansa ng mooring at docking sa Boracay at mainland Malay sa ginanap na
Public Hearing kahapon.
Ito ay pinangunahan ng sponsor ng nasabing ordinance na
si Liga President at Manoc-manoc Brgy. Captain Abram Sualog.
Sa nasabing hearing ay kinuha naman ang mga suggestion ng
mga concern agencies na kinabibilangan ng BIHA, Coastguard, Paraw at iba pang
waters association sa Boracay at Malay.
Kabilang naman sa mga pinag-usapan ay ang entry point at
cargo point ng lahat ng sasakyang pandagat sa mga nasabing lugar.
Nabatid na ang nasabing ordinansa ay nagkaroon ng
conflict sa Provincial ordinance ngunit disido parin si Sualog na ibahin at
ipagsama bilang isa ang mga nakaraang ordinansa dahil pasok naman umano ito sa Malay waters.
No comments:
Post a Comment