Pages

Wednesday, February 17, 2016

Mooring at docking areas sa Boracay at Malay tatalakayin sa Public Hearing bukas

Posted February 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for public hearingNakatakdang talakayin sa Public Hearing bukas ang omnibus ordinance na mooring at docking areas sa Boracay at Mainland Malay sa Manoc-manoc Brgy. Hall.

Ito ay sa pangunguna ni Presiding Chairman at SB Member Rowen Aguirre kasama si Liga President Abruam Sualog na siya namang author ng nasabing omnibus ordinance.

Nabatid na tatalakayin rito ang mga isyu sa mga docking areas ng lahat ng mga sea transportation sa Boracay gayon din sa mainland Malay bilang pagtalima sa environmental protection regulation.

Dito inaasahan ding mababago ang mga lumang resolusyon kaugnay sa mooring at docking sa nasabing lugar para maging isa.

Samantala, kabilang sa mga inimbitahan sa hearing ay sina Island Administrator Glen SacapaƱo, Punong Brgy. ng Balabag, Sambiray at Caticlan, kasama ang PCG , Transportation Office, Maritime Police, MASBOI, Ruben Soriano ng Boracay Water Sports Association, BIHA, Haulers, CBTMPC, Godofredo Sadiasa at Dir. Mary Ann Armi Arcilla Regional Director ng MARINA.

No comments:

Post a Comment