Pages

Friday, February 26, 2016

Mga nagbebenta ng tingi-tinging petroleum products maaaring managot sa batas-DTI

Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaalalahan ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena ang mga nagbebenta ng petroleum products na gumagamit ng delikadong mga lalagyan na maaari silang managot sa batas.

Ayon kay Cadena, illegal umano ang pagbebenta ng gasolina o gas na inilalagay sa mga plastic bottles at plastic container dahil isa umano itong paglabag sa department circular number 2003-11-101 ng Department of Energy (DOE).

Iginiit ni Cadena, na hindi dapat baliwalain ang pagbebenta ng petroleum products dahil isa itong delikadong pamamaraan na maaaring makaapekto sa buhay ng isang tao kung saan malapit ito sa disgrasya na posibleng lumikha ng sunog.

Samantala, ayon pa kay Cadena, maaari umanong gamitin ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Local Government Unit ang nasabing circular sa pagsugpo sa mga nagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa brgy. at mga malalayong bayan.

No comments:

Post a Comment