Posted February 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by: Boracay PNP |
Ang Brgy.Balabag sa isla ng Boracay ang isa sa dalawang
napiling pagdarausan ng Mock election sa Malay ngayong Sabado Pebrero 13, 2016.
Dahil dito nakipagpulong na si Malay Comelec Officer II
Elma Cahilig at Mr Antero Arboleda-Acting Election Officer sa brgy. Officials
ng Balabag para sa naturang eleksyon.
Dito napag-usapan ang seguridad at ang isang daang
botante na sasailalim sa mock election kabilang na ang paghahanda sa mga BEI na
kinabibilangan ng mga guro.
Kabilang naman sa mga nakipagpulong rito ay sina PINSP
Joey Delos Santos, Chief of Operation and Intelligence Sections at SP01
Christopher Mendoza, PCR PNCO ng Boracay Tourist Assistance Center, Ligaya
Aparicio, School Principal ng Balabag Elementary School at Punong Barangay
Lilibeth SacapaƱo.
Samantala ang Brgy. Balabag at Poblacion lamang sa Malay
ang magsasagawa ng mock election sa Sabado kung saan ang Malay at bayan ng
Kalibo lang din ang napiling magsagawa nito sa buong Aklan.
Ang mock election ay isang paraan ng pagsasanay sa
darating na May 9 election kung saan gagamitin nila rito ang Vote Counting
Machines (VCM).
No comments:
Post a Comment