Pages

Saturday, February 27, 2016

Bishop Tala-oc, ibinunyag na aprobado na umano ang operasyon ng Casino sa Boracay

Posted February 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

filipino.cri.cn
Pumukaw ng atensyon sa media ang ibinunyag ni Bishop Jose Corazon Tala-oc, ng Diocese of Kalibo sa umanoy pag-aproba sa operasyon ng Casino sa isla ng Boracay.

Ito ang naging mensahe ni Tala-oc kasabay ng isinagawang covenant signing ng Comelec, PNP at AFP kahapon sa St. John the Baptist Cathedral sa bayan ng Kalibo kasama ang PPCRV, KBP, PIA, Aklan Press Club at Diocese of Kalibo.

Ayon kay Tala-oc may natanggap umano siyang impormasyon na inaporbahan na ng mga kinauukulan sa bayan ng Malay ang naturang Casino na mag-ooerate sa isang malaking resort sa isla.

Nabatid na mariin ang ginagawang pagtutol ng simbahang katoliko sa anumang klase ng gambling o sugal.   

Dahil dito hinamon naman ni Bishop ang mga pulitiko na dumalo sa nasabing covenant na kung maaari ay huwag suportahan ang operasyon ng Casino sa Boracay para na rin sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ang nasabing covenant signing ay pinangunahan ng lahat ng mga kandito sa Aklan bilang pagtalima sa Safe and Fair Elections (SAFE) sa darating na eleksyon sa Mayo na sinabayan naman ng unity walk at candle lighting.

Samantala, kinumpirma naman ni Priest Moderator Fr. Jose Tudd Belandres ng Our Lady of The Most Holy Rosary ng Balabag Boracay na siya ang nag-paabot kay Tala-Oc ng naturang impormasyon, ngunit tumanggi muna itong magbigay ng kabuuang detalye dahil pag-uusapan pa umano nila ang kanilang susunod na hakbang para rito. 

No comments:

Post a Comment