Pages

Friday, February 19, 2016

Baklas campaign materials ng DENR-Aklan tuloy-tuloy parin

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for campaign materialsHindi umano titigil ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan sa pagbabaklas ng mga campaign materials na ipinapako sa mga punong kahoy.

Ito ang sinabi ni Arene Ruben, Forester 2 at Public Information ng DENR Aklan sa himpilang ito.

Ayon kay Ruben tuwing araw umano ng Biyernes ay umaarangkada ang kanilang grupo simula pa noong Enero para baklasin ang mga campaign at advertisement materials na nakapako sa mga punong kahoy sa gilid ng kalsada, Plaza at Paaralan na isa sa mga pampublikong lugar.

Dahil dito, nag-paalala naman si Ruben sa mga tumatakbong kandidato na bawal umanong maglagay ng kanilang mga campaign materials sa mga puno lalo na ang mga lumalaki palang na kahoy dahil isa umano itong paglabag sa batas pangkalikasan.

Sinabi pa nito na ang sino mang lalabag sa nasabing kauutusan ay isusumbong nila sa Comelec kung saan sila naman ang magbibigay ng natatamang penalidad.

Samantala, marami na rin umano ang mga nabaklas na materyales ng DENR kung saan ini-refer na nila ito sa Comelec at nakatakda na ring bigyan ng karampatang aksyon.

No comments:

Post a Comment