Posted February 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nitong nakaraang Huwebes ay sumailalim sa dry run ang
ibat-ibang force multipliers sa isla ng Boracay para sa bagong sistema sa
Cagban at Caticlan Jetty Port.
Ito ay pinangunahan naman ng BFRAV ng BAG, Municipal
Auxiliary Police, Philippine Army, Boracay PNP, Maritime Police at iba pang
organic group sa isla.
Dito sinanay ang mga nakapilang pasahero kung papano mag fill-up
sa Manifesto habang wala pang bangka na siyang regulasyon naman na itinakda ng Marina
sa ilalim ng implementasyon ng Philippine Coast Guard.
Maliban dito binigyan ng color coding na card ang mga
pasaherong nakapila habang paparating palang ang bangka na kanilang sasakyan
para sasakay nalang ang mga ito at agad na magde-depart.
Nabatid kasi na ang dating sistema sa nasabing pantalan ay
pipila pa ang mga pasahero habang wala pang bangka at kung sasakay na rin ang
mga ito ay saka palang papasulatin sa manifesto na inaabot ng ilang minuto bago
makaalis.
Samantala ang bago umanong planong ito ay gagawin lamang
sa tuwing rush hour at kung marami ang dagsa ng pasahero para hindi na sila
abutin ng mahabang oras sa pantalan.
No comments:
Post a Comment