Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ni Boracay Foundation Inc. (BFI) President
Dionesio Salme ang naging accomplishment report ni Aklan Governor Joeben
Miraflores sa kanyang State of the Province Address (SOPA) kahapon.
Ito’y matapos banggitin ni Miraflores ang mga pagbabago
sa isla ng Boracay kabilang na ang mga idinagdag na facilities sa Cagban at
Caticlan Jetty Port gayon din ang kinita na P43. 9 billion sa turismo at ang
pag-abot ng target na P1.5 million tourist arrival noong nakaraang taon.
Samantala, sa kabila nito, nais ngayong mapabilis ni Salme
ang construction ng Boracay hospital gayon din ang iba pang mga imprastraktura
para sa isla.
Nabatid na wala ngayong hospital sa isla matapos itong
ipasarado ng gobernador noong nakaraang taon para bigyang daan ang construction
at renovation project na hanggang ngayon ay hindi pa tiyak kung kaylan
matatapos at muling magbubukas.
Isa si Salme sa mga naimbitahan sa nasabing SOPA kahapon
kung saan kabilang naman siya sa mga pinasalamatan sa paglago ng turismo ng
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment