Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naipadala na umano ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
sulat para sa Malay PNP Station kaugnay sa hiling na ibalik pansamantala ang
pagkuha ng Police Clearance sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos ang hiling ni SB member Leal Gelito na kung
maaari ay maglagay ng Satellite Office ang Malay PNP sa Boracay para hindi na
mahirapan ang mga manggagawa sa isla na tumawid para kumuha ng nasabing
clearance.
Nabatid na ang dating pag-process ng Police Clearance sa
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay inilipat sa Municipal Police
Station matapos ang ipinalabas na mandato ng kanilang higher officials dahil sa
ang BTAC umano ay isang tourist police at hindi municipal police.
Umani naman ito ng ibat-ibang reaksyon sa mga
taga-Boracay kung saan ilang beses pa umano silang pipila bago makakuha ng
Police Clearance sa Malay PNP Station.
Hindi na umano otorisado ngayon na mag-isyu ng Police
Clearance ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang mahigit
pitong taong serbisyo nito sa mga taga Boracay.
No comments:
Post a Comment