Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masuwerting nakaligtas ang tatlong crew ng isang Paraw sa
Boracay matapos itong tumaob dahil sa sobrang lakas ng alon at hangin kaninang
alas 9:30 ng umaga.
Ayon kay PO1st Condrito Alvarez galing sa karagatang
sakop ng Brgy. Argao sa Malay ang naturang Paraw at papunta sanang Station 3
Boracay para sana sa isang aktibidad.
Ngunit dahil umano sa lakas ng hangin ay hindi ito
nakayanang mainubrahin ng tatlong crew na siyang naging dahilan para agad itong
lumubog.
Nasagip naman umano agad ang mga ito ng Maritime Police na
malapit lamang sa lugar dahil sa ginagawang seguridad sa dumaong na cruise ship
sa Boracay.
Ang tatlong biktima na sakay ng Paraw ay nasa maaayos
namang kalagayan habang ang naturang sasakyan ay dinala naman sa ligtas na
lugar sa area ng Bangkiruhan sa Manoc-Manoc.
Samantala, sinabi naman ni Alvarez na kung sobra talagang
masama ang lagay ng panahon sa karagatan
ay inaabisuhan nila ang mga water sports association na itigil muna
pansamantala ang aktibidad lalo na ang maliliit na bangka.
No comments:
Post a Comment