Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos makatanggap ng reklamo ang LGU mula sa mga
manggagawa sa isla dahil sa kailangan pa nilang tumawid ng mainland at gumastos
ng mahal upang makakuha ng police clearance na dating sa isla lamang na-proproseso.
Ayon naman kay Brgy. Captain Lilybeth Sacapano ng
Balabag, hiniling din umano nila ito kay Mayor John Yap na ngayon ay
pinagbigyan na rin.
Sinabi din ng kapitana na may inilaan na umano silang
area sa Brgy. Hall kahit na ito ay nasa ilalim pa ng renovation para lamang
ma-cater ang mga kumukuha ng clearance ngayong renewal.
Sa kabila nito inaayos na rin ng pamunuaan ng Malay PNP
ang nasabing area kung saan ang tauhan din nila ang mamalakad nito simula
bukas.
Nabatid na ang kailangan lamang mag-process ng Police Clearance
ay Municipal Police Station at hindi kagaya ng Boracay Tourist Assistance
Center na isang Mobile Station na para lamang sa mga turista.
No comments:
Post a Comment