Pages

Monday, January 11, 2016

Mga turista sa Boracay enjoy sa 2016 Boracay Ati-Atihan kahapon

Posted January 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi nagpahuli ang mga turista sa isla ng Boracay lalo na ang mga foreign tourist na maki-saya sa Ati-Atihan Festival kahapon.

Ito’y matapos ang isinagawang street dancing o “sad-sad” ng mga kasaling tribo at mga grupo kahapon sa beach area at sa mainroad Balabag.

Bumuhos naman ang mga manunuood sa beach area habang umiindak sa saliw ng mga tugtog ng drums at lyre.

Maliban dito daan-daang deboto ni Sr. Sto Niño ang dumalo sa high mass kahapon sa Balabag Plaza sa pangunguna ni Parish Priest Fr. Jose Tudd Belandres.

Ang Ati-Atihan sa Boracay ay ginagawa tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Enero bilang pagdiriwang sa selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Sto Niño.

No comments:

Post a Comment