Posted January 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa umanong
karangalan para sa bayan ng Kalibo, Aklan ang makilala bilang ika-top 3
destination ng mga Singaporeans.
Ito ay base sa
data mula sa Global travel engine Skyscanner kung saan ang Kalibo ay napabilang
sa emerging destination sa buong mundo matapos makitaan ng paglago ang bayan base
sa kanilang ginawang pag-aaral simula noong 2012 hanggang 2015.
Nangunguna naman
rito ang Phu Quoc sa Vietnam at sinundan ng Paros sa Bhutan habang nasa
ika-apat na puwesto ang Reykjavik sa Iceland; ika-lima ang Shenyang sa China; pang-anim
ang Sapporo sa Japan; pang-pito naman ang Nagoya; habang sumunod naman ang
Osaka Japan sa ikawalong puwesto at pang-siyam ang Hobart sa Australia at ika-sampu
ang Tokyo sa Japan.
Nabatid na
kinilala din ang Kalibo dahil sa tanyag na Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival
o mas kilala sa tawag na “Mother of All Philippine Festival” na ipinagdiriwang
tuwing ikatatlong linggo sa buwan ng Enero.
Samantala, umaasa
naman ang Local Government Unit ng Kalibo na hindi lang mga turistang
Singaporean ang makakakilala sa kanila kundi maging sa ibat-ibang parti pa ng
mundo.
No comments:
Post a Comment