Posted January 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makakatikim na umano ngayon ng salary increase ang mga
house helpers sa Western Visayas na kinabibilangan ng Aklan, Antique, Capiz,
Guimaras at Iloilo.
Ito’y matapos aprobahan ng Regional Tripartite Wages and
Productivity Board ang P500 para sa household service workers sa mga nasabing
probinsya.
Base sa pahayag ni Salome Siaton ng Department of Labor
and Employment Director ng Western Visayas, ang mga katuwang umano sa bahay sa mga
siyudad at sa first class-municipalities sa rehiyon ay makakakuha ng ng minimum
monthly pay na P2, 500 habang sa ibang bayan naman ay makakakuha ng P2, 000.
Sinabi nito na ang wage order ay para lamang sa minimum
wage ng mga domestic workers kung saan puwedi naman umano itong taasan pa ng
kanilang mga pinagtratrabahuhan kung kanilang nanaisin.
No comments:
Post a Comment