Posted January 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw na umano ang itinakdang early registration
ng Department of Education (DepEd) para sa public elementary at secondary school
para sa school year 2016-2017.
Dahil dito, hinimok ngayon ni Malay Public School District
Supervisor Jessie Flores ang mga magulang at estudyante na lumahok sa nasabing early
registration na magtatapos naman hanggang sa Pebrero 29.
Layun umano ng maagang pagpaparehistro ay para mabigyan
ng sapat na pahanon ang DepEd na paghandaan ang pagbuhos ng estudyante sa
school opening sa Hunyo gayon din para agad na mabigyan ng solusyon ang mga
problema sa paaralan.
Kaugnay nito, inanyayahan din nito ang mga guro na magsagawa
ng house-to-house campaigns para himukin ang mga estudyante na lumahok sa early
registration.
Samantala, ang Early Registration Period ay isasagawa umano
sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment