Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nakalagpas kay SB Member Floribar Bautista ang drainage
system ng TIEZA sa Bolabog beach dahil sa madumi umanong tubig na ibinubuga
nito sa dagat.
Sa 1st Regular SB Session ng Malay kaninang
umaga, sinabi nito na bula-bula at madumi ang lumalabas na tubig sa nasabing drainage.
Aniya, marami parin umano sigurong mga establisyemento sa
Boracay ang illegal na nag-kokonekta sa mga drainage system ng TIEZA.
Dahil dito nais naman nitong magkaroon ang LGU Malay ng equipment
na siyang susuri sa kalidad ng tubig sa bolabog beach.
Sa kabilang banda pinaalalahanan naman ni Bautista ang Environmental Office ng Malay tungkol sa mga illegal na nag-kokonekta sa drainage system
at sa mga penalidad na kakaharapin ng mga ito.
No comments:
Post a Comment