Posted January 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpatawag umano kamakailan ng Conference ang Commission
on Elections (Comelec) Aklan para sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2016.
Ito ay pinangunahan mismo ni Provincial Supervisor II
Atty. Ian Lee Ananoria ng Comelec Aklan kung saan nakipagharap ito sa Armed Forces
of the Philippines at Philippine National Police.
Ayon kay Ananoria, inalam niya umano rito ang situation
update at assessment ng AFP at PNP na kanilang partner sa halalan para sa
layong maging matiwasay ang national at local election sa Mayo.
Sinabi pa ni Ananoria na ang nasabing conference ay
mahalaga umano dahil sa ang Aklan ay may espesyal na kaso sa pamamagitan ng malakas
na tourism industry nito kung saan kinakailangan talagang iwasan ang insidente o
anumang kaguluhan sa turismo.
Nabatid na dumalo rin sa nasabing conference ang mga
election officers mula sa 16 na bayan at ang iba pang magsisilbi sa darating na
halalan.
No comments:
Post a Comment