Posted January
27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakabinbin parin ngayon kung magkano ang Annual budget na
makukuha ng Local Government Unit ng Malay para sa taong 2016.
Sa ika-4th Regular SB Session ng Malay kahapon
ng Martes, tinalakay ni SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen
Aguirre ang nasabing budget na nakapaloob sa Committee report.
Napag-alaman na ito ay isinalang sa Committee on Budget
and Appropriation tungkol sa nasabing Annual Budget kung saan kailangan munang
matukoy ang mga paggamitan nito.
Nabatid na bago ibigay ang naturang budget sa LGU ay
dapat mailahad muna kung anong mga proyekto at programa ang paggamitan nito sa
loob ng isang taon.
Ang naturang usapin ay muling pag-uusapan ng konseho sa
susunod na SB Session ng Malay.
No comments:
Post a Comment