Posted January 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aarangkada na ngayong Enero 8 hanggang 10 ang 2016
Boracay Ati-Atihan na inorganisa ng Municipal Tourism Office ng LGU Malay.
Simula nitong Biyernes ay magkakaroon ng Barangays,
Parishioner and Tourism Front liners Night sa Balabag Plaza habang sa Sabado ng
alas-4 ng hapon ay magkakaroon naman ng Tribal Street Dancing Competition na
lalahukan ng mga HS Students na magsisimula sa Casa Pilar hanggang sa Balabag
Plaza.
Maliban dito magkakaroon naman ng misa sa Enero 10 ng
ala-6 ng umaga sa Holy Rosary Parish at susundan ng Fluvial Parade ng alas-6:30
ng umaga sa Boracay’s Rock, alas-8 naman ang High Mass sa Balabag Plaza at
alas-9 ng umaga ang Boracay Ati-Atihan Sto. Niño Sadsad.
Kaugnay nito magkakaroon naman ng Baptismal alas-10 ng
umaga sa Holy Rosary Parish habang alas-3 ng hapon naman ay isang misa ang
isasagawa at susundan ng Procession of Sto. Niño Image alas-5:30 ng hapon at
alas-7 ng gabi ang Group Showdown sa Balabag Plaza.
Ang Boracay Ati-Atihan ay taunang ginagawa sa isla bilang
selebrasyon sa kapistahan ni Sr. Sto Niño na orihinal na ipinagdiriwang sa
bayan ng Kalibo tuwing ikatatlong linggo ng buwan ng Enero.
No comments:
Post a Comment