Posted December 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas pinalakas pa
umano ngayon ang pwersa ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa
pamamagitan ng kanilang Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa Boracay.
Ito ang sinabi ni
Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan, kung saan ang SWAT team umano ay
kanilang standby na tropa na nagpapatrolya tuwing gabi sa beach area sa isla.
Sinabi nito na
buhat ng magkaroon ng APEC Summit sa Boracay noong Mayo ay may mga itinalagang
SWAT team ang PNP para sa pagpapatibay ng pwersa ng mga otoridad sa isla.
Nabatid naman na
ang LGU Malay ang siyang nagpi-finance sa nasabing grupo na ngayon ay nasa
ilalim ng pangangalaga ng Boracay PNP.
Samantala, sinabi pa ni Gentallan na mahigpit ang kanilang ginagawang seguridad sa mga strategic areas sa Boracay kung saan tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang checkpoint tuwing gabi sa isla.
No comments:
Post a Comment