Posted December 8, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy ang
pag-momonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa presyo ng mga
bilihin hindi lang sa Kalibo pati narin sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng
himpilang ito kay DTI Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena, Jr., isasabay umano nila ang kanilang monitoring
sa gagawing Linking Buyer and Suppliers activity sa Boracay bukas.
Ayon kay Cadena
ang aktibidad na ito ay para sa mga kliyente at suppliers sa Boracay upang malaman kung magkano ang kanilang ipinapataw na
presyo sa mga produkto mula sa kanilang inilabas na mga suggested retail price.
Aniya, ang
aktibidad na ito ay tatlong taon na nilang ginagawa sa isla ng Boracay na may
layuning maprotektahan at suportahan ang tourist industry.
Samantala, bukas
ay nakatakdang magkaroon ng paglilibot ang kasamahan ni Cadina para tingnan at
e-monitor ang mga presyo ng bilihin sa isla.
No comments:
Post a Comment