Posted December 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinikayat ngayon ng Municipal Health Office (MHO) Malay
ang mga residente at turista sa isla ng Boracay na makilahok sa kanilang mga
aktibidad ngayong World Aids Day.
Ayon kay Arbie Aspiras, STI/AIDS Coordinator ng MHO
Malay, simula alas-8 ngayong umaga ay mag-iikot ang kanilang mga staff at mga
volunteers sa buong isla ng Boracay para mamahagi ng fliers, condoms at ang
pag-penning ng red ribbon.
Maliban dito mag-didikit din umano sila ng mga stickers
sa mga sasakyan sa Boracay maging sa mainland Malay na nag-lalaman ng mensahe kaugnay
sa HIV/AIDS.
Kaugnay nito isang programa ang gagawin ng MHO sa D’Mall
area ngayong alas-8 ng umaga sa pangunguna mismo ni Aspiras para bigyang
kaalaman ang mga tao sa lumalaking kaso ng HIV/AIDS sa bansa.
Samantala, kasama sa mga lugar kung saan mamamahagi ng
fliers at condoms ang MHO ang Cagban at Caticlan Jetty Port Tambisaan at Tabon
Port.
No comments:
Post a Comment