Pages

Monday, December 07, 2015

PHO at OPVET, magkasamang nanawagan sa pagbakuna sa mga alagang hayop sa Aklan

Posted December 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for office of provincial veterinarian aklanMagkasamang nanawagan ang Provincial Health Office (PHO) at ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa Aklan para sa pagpapabakuna ng mga alagang hayop.

Ito ang panawagan ng PHO at OPVET  sa isinagawang meeting ng Provincial Rabies Control Committee (PRCC) kung saan napag-alaman na ang vaccination coverage sa 17 bayan sa probinsya ay umabot lamang sa 34.43%.

Nabatid na ang nasabing porsyento ay katumbas lamang ng 16,433 na mga aso na nabakunahan na sa lalawigan, kung saan ang kabuuang bilang ng mga aso sa Aklan ay umabot sa 49,459 base sa tala ng OPVET.

Nabatid na ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na numero ng nakagat na mga residente na umabot sa 354 at sinundan naman ng Banga na may 137; New Washington na may 118; Numancia na may 114 at Ibajay na may 110.

Samantala, layun ng nasabing panawagan na maprotektahan ang mga residente sa rabies hindi lang sa kagat ng aso kundi maging sa ibang hayop.

No comments:

Post a Comment