Posted December 24, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Disperas na ng Pasko ngayong araw kung kayat inaasahan
ang pagdagsa ng maraming pasahero sa Caticlan Jetty Port na uuwi sa
kani-kanilang mga probinsya.
Ayon sa Philippine Coastguard Caticlan, nasa-walumpung
porsyento na umano ang mga pasahero sa nasabing pantalan kung saan karamihan sa
mga ito ay sakay ng ro-ro vessel mula sa Manila at patungo sa kanilang mga
lugar.
Dahil dito, naglagay na rin umano sila ng passengers
assistance desk sa Cagban at Caticlan Jetty Port hanggang sa unang linggo ng
Enero.
Maliban dito 24-oras naman umanong naka-antabay ang
kanilang mga K-9 Unit na magbabantay at mag-iinspeksyon sa mga bagahe ng
pasahero.
Samantala, katuwang naman ng PCG-Caticlan ang iba pang
mga law enforcers sa Malay at Boracay para paigtingin ang seguridad ng mga
pasahero at turista ngayong holiday season.
No comments:
Post a Comment