Pages

Thursday, December 10, 2015

Operasyon ng mga bangka sa Caticlan Jetty Port pinag-aralan sa SB Malay

Posted December 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mga bangka sa BoracayPinatawag nitong Martes sa Sangguniang Bayan ng Malay ang mga kinauukulan sa Caticlan Jetty Port kasama ang Philippine Coastguard, CBTMPC at Malay Transportation Office.

Ito ay para talakayin ang tungkol sa ipinapatupad na manifesto at life jacket sa mga bangka na mahigpit na ipinag-uutos ni Philippine Coastguard Caticlan Lt. Idison Diaz simula ng ito ay manungkulan ilang linggo palang ang nakakaraan.

Sa pinag-usapan sa SB Session nitong Martes hindi na sa loob ng bangka magsusulat ng kanilang mga pangalan sa manifesto ang pasahero kundi ay maglalagay na mismo ng lamesa sa may sakayan ng mga bangka kung saan sila magsusulat bago sumakay.

Maliban dito nais naman ni CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa na bubuksan umano pansamantala ang reclamation area sa Caticlan para puweding daungan ng mga bangka upang maging mabilis ang operasyon.

Nabatid na ilan lamang ito sa mga nais mangyari ng Sangguniang Bayan ng Malay dahil sa patuloy na reklamo ng mga pasahero tungkol sa mabagal na operasyon ng mga bangka dulot ng bagong implementasyon.

No comments:

Post a Comment