Posted December 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang dadaong ang
barkong MS Europa II sa isla ng Boracay ngayong araw ng Miyerkules.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, dadaong umano ang naturang barko alas-9:30 sa area ng Cagban Port
at aalis naman bandang alas-3 ng hapon.
Sakay din umano nito ang tinatayang apat na raan at
walong pasahero mula sa ibat-ibang bansa kasama ang mga crew na kinabibilangan
din ng mga pinoy.
Kaugnay nito naka full alert na rin umano ang mga
otoridad na kinabibilangan ng Philippine Coastguard, Philippine National
Police, Maritime Police at iba pang force multipliers.
Nabatid na bagamat ikatlong beses na itong pagbisita ng
barko sa isla, ay wala na ring mangyayaring seremonya sa pagitan ng Aklan
Provincial Government at ng barko.
Samantala, bibisitahin naman ng mga turista ang beach
area, D’Mall at mga souvenir shops habang ang iba naman ay susubukan ang
ibat-ibang Island at water sport activities.
No comments:
Post a Comment