Pages

Saturday, December 12, 2015

MHO Malay pormal na kinilala bilang 1st Adolescent friendly Health Facility sa Aklan

Posted December 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal na kinilala ang Municipal Health Office sa Boracay bilang kauna-unahang Adolescent friendly Health Facility sa buong probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos tanggapin ni Dr. Adrian Salaver ng MHO-Boracay ang certificate of recognition na ibinigay ng Department of Health (DOH) Region 6 kahapon sa isinagawang Launching of Malay Rural Health Unit-Annex Boracay bilang Adolescent friendly Health Facility sa Casa Pilar Boracay kahapon.

Dahil dito maaari ng magtungo ang mga kabataan sa Malay Rural Health Center para sa mga serbisyong pangkabataan kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng counseling.

Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing event si Mayor John Yap, PSDS Jessie Flores kasama ang ibat-ibang organisasyon na nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa mga dumalong kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis.

Samantala, layun ng MHO na mabawasan ang mataas na bilang ng teenage pregnancy sa Malay kung saan ang naturang bayan ang nangunguna sa may pinakamataas na kaso nito sa probinsya.

No comments:

Post a Comment