Posted December 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos araw-araw umanong may nangyayaring problema sa
pagitan ng mga tricycle driver sa isla ng Boracay at sa mga pasahero.
Ito ang sagot ni Vice mayor Wilbec Gelito sa naging privilege
speech ni SB Member Rowen Aguirre sa ginanap na 43rd SB Session ng
Malay kahapon.
Ayon kay Aguirre hindi niya nagustuhan ang naging asal ng
isang tricycle driver sa Boracay matapos silang tanggihan nito na pasakayin
kahit nagbibiyahe naman ito.
Dahil dito nais ni Aguirre na mabigyan ng karampatang
disiplina ang mga nasabing driver na halos naging problema na rin ng ilang
pasahero dahil sa namimili ang mga ito ng papasakayin lalo na ang pagtanggi na
magpasakay sa mga estudyante.
Sa suhestisyon ng SB Malay gagawa umano sila ng ordinansa
na sa oras na mayroong driver na malaman na namimili ng pasahero ay maaari
itong ipatanggal kung saan damay pati ang operator ng tricycle at hindi
papayagang makapag-operate.
Samantala, muling pag-uusapan ang naturang usapin sa
susunod na Session kung saan inaasahang ipapapatawag ang mga concern agencies tungkol
sa panibagong isyu sa mga pasaway na driver sa Boracay.
No comments:
Post a Comment