Posted December 18, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tinalakay sa
ginanap na 45th Regular Session nitong Myerkules ang problema sa Kalibo
International Airport (KIA) lalo na ang
mga delayed flights.
Sa ginanap na SP Session idinulog ang nasabing usapin sa Committee on
Energy, Public Utilities, Transportation and Communication.
Kaugnay nito
sinisiguro naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na gagawa
sila ng presentasyon hinggil sa reklamo ng mga na-apektuhan nito at iba pang samut-saring
problema sa Kalibo International Airport.
Samantala, ang
naturang problema ay muling pag-uusapan sa pagbubukas ng susunod na Session sa
bagong taon.
No comments:
Post a Comment