Posted December 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nakaligtas sa Sangguniang Bayan ng Malay ang
dalawang x-ray machine o luggage machine na hindi gumagana sa Caticlan Jetty
Port.
Nitong Martes sa ika-44th Regular SB Session
ng Malay isa sa mga pinag-usapan ang seguridad sa naturang pantalan lalo na
ngayong unti-unti ng dumadagsa ang mga tao sa Boracay.
Dahil dito pinuna ng mga konsehales kung bakit matagal ng
hindi gumagana ang naturang machine kabilang na ang kawalan ng K-9 Unit sa
entrance ng Jetty Port.
Ayon naman kay Special Operation III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port hindi pa umano dumadating ang naturang piyesa para muling
maayos ang x-ray machine.
Tiniyak din nito na hahabulin nila sa super peak season
ang pagsasaayos nito upang maipatupad ang mabilis at mahigpit na seguridad sa
nasabing pantalan.
Nabatid na nais ng Sangguniang Bayan ng Malay na
maipatupad ang mahigpit na seguridad sa Boracay dahil sa umiiral na banta ng
terorismo sa ibat-ibang tourist destination sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment