Posted December 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hawak kamay na nananawagan ang mga kakabaihan at ang Local
Government Unit ng Malay sa dumaraming kaso ng Violence Against Women and
Children o VAWC.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng International 18 day ng
VAWC na nagsimula nitong Nobyembre 25 hangang ngayong Disyembre 10.
Dahil dito isang matibay na kampanya at aktibidad ang
ipinakita ng LGU officials kasama ang Philippine National Police para sa
panawagang itigil ang pananakit at karahasan sa mga kakabaihan at mga kabataan.
Nabatid na base sa mga datos, isang babae o bata ang
biktima ng pananakit bawat 16 minuto kung saan napag-alaman din na sa ilalim ng
Aquino Administration ay nakapagtala ng pinakaramaraming kaso ng VAWC sa bansa.
Samantala, mula sa 9,974 na kaso noong 2010 ng EVAWC ay
umakyat na ito ngayon sa 31,937 noong nakalipas na taon.
No comments:
Post a Comment