Posted December 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Idinaan sa social media partikular sa facebook ng ilang
mga pasahero ang pagkainis sa mahabang pila sa Cagban at Caticlan Jetty Port
ngayong umaga.
Ito’y matapos ang mabagal na operasyon ng mga bangka
dahil sa nararanasang low tide kung saan hindi makasampa ang mga bangka sa rampa
dahil sa sobrang babaw ng tubig.
Maliban dito dagsa ang maraming tao na nagbabakasyon
ngayon sa Boracay dahil sa holiday season kung saan karamihan sa mga ito ay sa
isla sasalubungin ang bagong taon.
Ayon naman kay Philippine Coastguard Caticlan Lt. Edison
Diaz, hinahanapan na umano nila ngayon ng alternatibong solusyon ang naturang
problema sa pantalan dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero.
Sinabi din nito na nasa super peak season na ngayon ang
isla kung saan hindi maiiwasan ang ganito kahabang pila ng mga pasahero pabalik
at papuntang Boracay.
Samantala, todo bantay naman ang Philippine Coastguard at
ang Jetty Port Administration sa seguridad sa dalawang pantalan lalo na ngayong
papasok na ang bagong taon.
kapin kun summer maka sapar kaya makarun sestema nanda nga mahaba pila??
ReplyDelete