Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Wala ng buhay ng maabutan sa kanilang bahay ang asawa ng
incumbent Brgy. Captain matapos itong pag-sasaksakin
at pagtatagain sa ibat-ibang parte ng katawan nito kahapon sa Union, Nabas, Aklan.
Pasado alas- 10 kagabi ng maganap ang insidente mismo sa
bahay ng incumbent Brgy. Captain na si Dante Berondo.
Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP Station, nakatanggap
sila ng tawag mula sa nasabing lugar na may nangyayari umanong pananaksak at
pananaga dito na agad namang ni-respondihan ng mga ito.
Dito nakita umano nilang nakahandusay at naliligo na sa
kanyang sariling dugo ang asawa ng capitan na si Judith Berondo 50- anyos.
Napag-alaman na ang suspek sa pagpatay sa biktima ay
mismong pamangkin ng incumbent Brgy. Captain.
Samantala, sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon
ng mga pulis hinggil sa nasabing pamamaslang sa biktima.
No comments:
Post a Comment