Pages

Monday, December 14, 2015

70 porsyento ng mga bangka sa Boracay pinayagan ng maglayag matapos ma stranded dahil kay Nona

Posted December 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinayagan na ngayon ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan na maglayag ang 70 porsyento ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port matapos itong kansilahin dahil kay bagyong Nona.

Dahil dito naunang pinasakay sa mga bangka ang mga pasaherong kagabi pa na-stranded sa dalawang pantalan na kinabibilangan ng mga turista at mga manggagawa sa Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, awtomatikong kinakansila ng PCG ang biyahe ng mga bangka kung may storm signal number ang Aklan lalo na kung nakataas ito sa signal number 2 na siyang batayan ng PCG para e-shutdown ang biyahe.

Nabatid na nakataas ang storm signal ngayon sa Aklan kasama ang maraming probinsya sa Western at Eastern Visayas.

Samantala, maaari namang tumawag sa hotline number 118 ng Caticlan Jetty Port kung sino man ang may mga katanungan tungkol sa operasyon ng mga bangka sa Boracay.

No comments:

Post a Comment