Posted November 21, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang isang Manager ng isang resort sa Boracay
matapos umanong tinangay ng kanyang Supervisor ang perang nagkakahalaga ng
mahigit sa P376,000 kahapon sa Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Ine-rereklamo ng Manager na si Ruben Fuentes 47-anyos
ng Brgy. Manoc-manoc, Boracay ang Supervisor nito na si Glory Lyn Capangpanagan 26- anyos ng Talaytay Argao,
Cebu at temporaryong nakatira sa Brgy. Balabag, Boracay.
Sumbong nito sa Boracay PNP, ikinagulat niya umano ng
makatanggap siya ng disconnection bill sa kuryente, tubig at notice sa BIR na
nagkakahalaga lahat ng P376, 092.00.
Ayon kay Fuentes nagbigay na umano siya ng perang
pambayad sa ini-rereklamong supervisor ngunit nagulat na lang siya ng hindi
pala ito ibinayad ng suspek na ngayon ay bigla nalang naglaho.
No comments:
Post a Comment